Jump to content

Template:FoP-US/tl

From Wikimedia Commons, the free media repository

United States

Maaaring saklaw ng batas sa karapatang-sipi ng Estados Unidos ang gawang pang-arkitektura na ipinapakita ng larawang ito, lalo na yaong mga tinapos pagkaraan ng ika-1 ng Disyembre, 1990. Gayunpaman, sa ilalim ng 17 USC 120(a), hindi kasama sa karapatang-sipi sa mga gawang pang-arkitektura ang paggawa, pamamahagi, o pagpapakita sa publiko ng mga larawan, pinta, retrato, o iba pang mga panlarawang representasyon ng gawa.

Tandaan: batay sa pasya ng Leicester v. Warner Brothers, maaaring gamitin sa ilalim ng 17 USC 120(a) ang mga gawa ng sining na nakapaloob o nakasali sa isang gusali bilang mga naunang bahagi nito nang hindi nangangailangan ng pahintulot mula sa mga manlilikha ng gayong mga obra. Tingnan din ang COM:CRT/United States#Freedom of panorama para sa karagdagang impormasyon.

Nilalapat lamang ng batas na ito ang mga larawan ng mga gawang pang-arkitektura (tulad ng mga gusali o ibang mga istraktura) at hindi sa mga larawan ng ibang mga uri ng gawa ng sining sa Estados Unidos, tulad ng mga lilok, pinta, o poster na hindi bahagi ng isang arkitektura. Dapat alisin sa Wikimedia Commons ang mga larawan na ito, maliban kung nasa pampublikong dominyo ang nabanggit na mga obra, o hindi makabuluhan ang presensiya ng mga ito sa larawan.

العربيَّة | беларуская (тарашкевіца)‎ | Deutsch | English | Español | Italiano | македонски | 한국어‎ | Slovenščina | Tagalog | 简体中文 | 繁體中文 | 台灣正體‎ | +/−